^

Metro

QCPD umaray sa isyung pagsibak sa 37 nilang tauhan

-

MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ng pamu­nuan ng Quezon City Police na hindi sinibak sa kanilang mga puwesto ang 37 opisyal nila bunga ng umano’y kapa­bayaan sa paghawak sa kaso ni Jason Ivler na na­aresto ng tropa ng NBI kama­kailan.

Ayon kay Chief Superin­ten­­dent Elmo San Diego, Quezon City Police District director, wala umano silang natatanggap na “relieved order” mula sa higher head­quarters ng PNP kung kaya hindi totoo na sinibak na ang mga ito sa kanilang po­sisyon.

“As of this time, no relief order has been issued by higher headquarters but we have already recommended that the 37 officers and men undergo refresher courses on field sur­veillance and tracking opera­tions to re-sharpen their skills, which is standard operating procedure when such lapses are alleged,” ani San Diego.

Sabi ng opisyal, maliban sa aktwal na pagdakip kay Ivler na ginawa ng NBI, ang QCPD anya ang nanguna sa pag-imbestiga sa Ivler-Ebarle case, kung kaya nakapag-palabas ang korte ng warrant of arrest na siya namang ginamit ng NBI at iba pang law enforcement sa paghahanap sa suspect.

Giit ni San Diego, bini­bigyan nila ng kredito ang NBI sa ma­tagumpay na operas­yon pero ang pagkakadakip kay Ivler anya ay pinagtulung-tulungan ng mga law enforce­ment agen­cies at pangkala­hatang criminal justice system na umiiral sa bansa.

Inatasan na rin anya ni San Diego, na magsagawa ng parallel investigation sa pama­­magitan ng pagbuo ng Special Task Group at district level para masiguro na may­roon ngang pagkukulang sa operasyon kay Ivler kung saan ang nagkasala ay may katapat na administra­tive sanctions.

Aksyon ito ng QCPD ma­tapos mapaulat na 37 QCPD official ang sinibak sa kanilang tungkulin ni PNP chief Director General Jesus Verzosa bunga ng umano’y kapabayaan sa pag­hawak ng kaso ni Ivler. (Ricky Tulipat)

CHIEF SUPERIN

DIRECTOR GENERAL JESUS VERZOSA

ELMO SAN DIEGO

IVLER

JASON IVLER

QUEZON CITY POLICE

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

RICKY TULIPAT

SAN DIEGO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with