^

Metro

Guro inireklamo nang pananampal ng pupil

-

MANILA, Philippines -  Dumulog  sa tanggapan ng Manila Social Welfare Depart­ment ang isang batang lalaki na sinampal at pinabalik sa grade 1 ng guro at principal ng paara­lang P. Gomez Elementary School.

Kasama ng kanyang inang si Judy P. Saulo ng #1017 P. Gue­­­varra St., Sta. Cruz, May­nila, hini­­hingi nito ng tulong at kata­rungan para sa anak na si John Jeffer­son Saulo, 8, kay MSWD chief Jay dela Fuente na ma­pa­rusahan ang gurong si Ms. Prima Bal­mes at principal na si Mrs. Corona.

Sa salaysay ng ina ng bata ay Oktubre 23 noong nakara­ang taon nang umuwi si John mula sa paaralan na may pasa sa mukha. Agad na­mang sinabi ng bata na si­nam­pal siya  ng kan­yang  guro na si Ms. Balmes.

Pero sa paliwanag ng na­sabing guro sa isang liham na pinadala nito kay Manila Mayor Alfredo S. Lim, sinabi nito na hindi niya sinampal ang bata bagama’t inamin nito na hina­wakan niya sa baba ang bata at ihinarap nito ang mukha sa kaniya habang tinatanong kung bakit nito sinuntok ang kaklase na na­kilala sa pangalang Phamels.

Itinanggi ni Balmes sa liham kay Lim na hindi niya sinaktan ang bata. Ngunit lalong bumigat ang loob ni Judy nang sa halip na pagkalooban siya ng tulong ay ibinalik umano ni Mrs. Co­rona si John sa grade 1.

Ayon kay Judy, paliwanag umano ni Corona na mahina sa klase ang kanyang anak kung kaya’t dapat lamang na ibalik sa grade 1 at bibigyan na lamang ng tutorial.

Ngunit sinabi ni Judy na bagama’t mahina sa English ang kanyang anak, nakaka­basa at nakakasulat naman ito. Dahil dito, sinabi ni dela Fuente na sa­kaling mapatu­na­yan na nagka­sala ang guro ng pana­nakit ga­yundin ang principal sa maling desisyon nito ay ma­haharap ito sa kasong admi­nistratibo na ma­gi­ging dahilan ng pagkaka­tang­gal sa trabaho at pagka­ka­hinto ng mga benepisyo. (Doris Franche)

DORIS FRANCHE

FUENTE

GOMEZ ELEMENTARY SCHOOL

JOHN JEFFER

JUDY P

MANILA MAYOR ALFREDO S

MANILA SOCIAL WELFARE DEPART

MRS. CO

MRS. CORONA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with