^

Metro

Tsinoy trader niratrat, todas

-

MANILA, Philippines - Patay ang isang negosyanteng Tsinoy ma­tapos na patraydor na pagbabarilin ng isang hindi kilalang lalaki sa loob ng isang subdivision sa lungsod Quezon City, kahapon ng madaling- araw.

Tatlong tama ng bala sa katawan ang tuma­pos sa buhay ng biktimang si Arthur Go-Ang, 48, ng Bataan St., Ayala Heights sa lungsod.

Habang tanging pagsasalarawan lamang sa suspek na nasa edad na 27, may taas na 5’3’’, payat, ang nakuha ng mga awtoridad.

Ayon sa ulat ng pulisya, nangyari ang insi­dente sa may Don Victorino Extension corner  Don Victorino Heights, Brgy. Holy Spirit ganap na alas-12:15 ng madaling-araw.

Diumano, kapaparada pa lamang ng ne­gos­­yante sa kanyang Chevrolet Trailblazer (XTH-347) sa tapat ng bahay ng kanyang kaibigan sa nasabing lugar nang lapitan ito ng salarin at pagbabarilin.

Kahit sugatan, nagawa pang makatakbo ng bik­tima at makahingi ng saklolo sa isang moto­ristang si Samson Gonzalo, para isugod siya sa ospital. Pero hindi pa sila nakakalayo ay dumating ang isang Michale Lim, na kaibigan daw ng biktima at sumamang maitakbo nila sa Gen. Malvar Hospital ang huli ngunit hindi na rin ito umabot pa ng buhay. Sinasabing bago nangyari ang pamamaril ay kagagaling lang umano ng biktima sa isang casino kasama ang nasabing kaibigan.

Isinantabi naman ng awtoridad ang ang­gulong holdap dahil intact ang pera at gamit ng biktima. Gayunman, posibleng anyang may kinalaman sa negosyo ng biktima ang naturang insidente. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

ARTHUR GO-ANG

AYALA HEIGHTS

BATAAN ST.

CHEVROLET TRAILBLAZER

DON VICTORINO EXTENSION

DON VICTORINO HEIGHTS

HOLY SPIRIT

MALVAR HOSPITAL

MICHALE LIM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with