^

Metro

Parental program, pasisiglahin ni Joy B

-

MANILA, Philippines -  Higit pang pasisiglahin ni Liberal Party Vice Mayoral candidate Joy Belmonte ang parental program sa Quezon City upang mabigyan ng dagdag na kaalaman ang mga magulang kung paano higit na mapapangalagaan ang ka­nilang anak.

Ayon kay Joy  Belmonte, ang hakbang ay gagawin sa pamamagitan ng pagkaka­loob ng libreng seminar sa mga barangay upang magka­roon sila ng self-enhance­ment at malaman ng mga ma­gulang ang mga tamang paraan kung paano mapalaki nang maayos  ang mga anak para maiiwas ang mga ito sa mga bisyo.

Sa pamamagitan anya ng naturang hakbang malalayo ang mga kabataan sa pa­nganib at sa mga bisyo na kalimitang problema ng mga magulang laluna ang pag­gamit ng bawal na gamot ng ilang kabataan.

Bukod dito, magsasagawa din anya ang kanyang tang­gapan ng day care level seminar sa mga rehabilitation centers sa lungsod upang ma­laman naman ng mga ka­bataang inaalagaan dito ang kahalagahan ng buhay at ang pag-iwas na sa bisyo.

Upang tuluyan anyang makaiwas sa bisyo paglabas ng center maglalaan din ang kanyang tanggapan ng lib­reng paaral  sa ilalim ng Tesda upang sa pamamagitan nito ay maka­tulong sila sa kanilang pamilya at maayos ang kanilang buhay. (Angie dela Cruz)

ANGIE

AYON

BELMONTE

BUKOD

JOY BELMONTE

LIBERAL PARTY VICE MAYORAL

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with