P20-M ari-arian, tupok sa Valenzuela fire

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P20 million halaga ng mga ari-arian ang natupok sa na­sunog na pabrika ng ke­mikal kung saan nadamay ang bodega ng Na­tional Food Authority sa Valen­zuela City na umabot sa 16-oras.

Sa ulat, alas-5 kamaka­lawa ng hapon nang ma­sunog ang Art Chemical na pag-aari ng isang Wilson Co sa Mu­la­winan st., Lawang Bato ng lungsod. Mabilis na kumalat ang apoy at dahil pagawaan ng ke­mikal ay nahirapan ang mga bum­bero na apulain ito hang­gang sa madamay ang ka­tabing bodega ng NFA.

Nabatid na alas-9 na ka­­ha­pon ng umaga nang ma­apula ang apoy kung saan wala naman naiulat na nasak­tan o nasawi sa nasabing sunog.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng sunog. (Lor­deth Bonilla)

Show comments