^

Metro

2 PNP officials nagsuntukan sa WPD

-

MANILA, Philippines - Nagka-engkuwentro sa loob  ng Manila Police District (MPD) ang isang police colonel at isang retiradong tinyente na kapwa dating nakatalaga sa MPD nang aksidenteng mag­kita, na nauwi sa labu-labo maging ng kanilang mga kasamahan sa UN Avenue, Ermita, May­nila, kahapon ng hapon.

Sina Supt. Jovito Asayo, na nakatalaga sa tang­gapan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at retired Insp. Rico Miranda ay nagsuntukan dakong alas-2 ng hapon, lobby mismo ng MPD head­quarters.

Kababa pa lamang ng kotse ni Asayo nang komprontahin ito ni Miranda at sinuntok sa mukha hanggang sa magkapalitan ng suntok ang dalawa.

Sa halip na awatin, ilan sa pinaniniwalaang kasama nila ang nagsagutan din hanggang sa magkaroon ng labu-labo. Dahil dito, inatasan ni MPD Director Chief Supt. Rodolfo Magtibay ang General Assign­ment Section (GAS) na mag-imbestiga.

Nilinaw naman ni Magtibay na walang grupo o tauhan ang dalawang opisyal sa mga nasangkot sa gulo dahil kapwa wala na ang mga ito sa MPD.

Ani Magtibay, posibleng may malalim na ugat at dating alitan ang magkabilang kampo.

Batay naman sa impormasyong nakuha ng PSN ay inaresto kamakailan ni Asayo ang anak ni Miranda na isa ding miyembro ng MPD at nakatalaga sa MPD-station 1. Inakusahan ni Asayo ang anak ni Miranda na may ma­samang balak dahil aali-aligid sa kanilang bahay. Nang arestuhin umano ang anak ni Miranda na isang pulis ay ipinosas pa umano at binitbit sa head­quarters at sinuntok pa umano ni Asayo.

Nabatid din na bukod pa sa isyung ito ay nag-aakusa umano ang panig ni Asayo sa kampo ni Miranda na may kinalaman sa pagpatay sa kapatid na barangay chairman ni Asayo, may ilang taon na ang nakalipas. (Ludy Bermudo)

ANI MAGTIBAY

ASAYO

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

DIRECTOR CHIEF SUPT

GENERAL ASSIGN

JOVITO ASAYO

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT

MIRANDA

MPD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with