SUV sumalpok, 2 dedo

MANILA, Philippines - Dalawa katao ang namatay nang su­mal­pok ang sinasakyan nilang sports utility vehicle sa isang traffic light post sa panulukan ng Temple at Katipunan Streets sa White Plains, Quezon City kahapon ng madaling-araw.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District Traffic Enforcement Group, nakilala ang mga nasawi na sina Christian Gue­varra, 29, at Michael Cuenca, 28, pawang mga residente sa Upscale subdivision La Vista sa nasabing lunsod.

Ayon sa pulisya, dead-on-the-spot si Cuenca habang nasawi naman sa Medical City Ortigas si Guevarra.

Matuling tinatahak ng Subaru (ZLT-808) nina Guevarra at Cuenca ang lugar nang ma­walan ito ng preno pagsapit sa kanto ng Temple street at dire-diretsong sinalpok ang poste ng traffic light dito. (Ricky Tulipat)

Show comments