^

Metro

Pekeng police col, 1 pa arestado

-

MANILA, Philippines -  Kapwa arestado ang nagpanggap na police co­lonel at isang police officer 3 nang makatunog ang ka­anak ni Buluan Vice Mayor Esmael Mangudadatu na binibiktima siya ng kotong sa loob ng isang hotel sa Ermita, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Pormal na naghain ng reklamo sa Manila Police District-Station 5 ang bik­timang si Pandag Muni­cipal Mayor Zajid Mangu­da­datu, 33,  laban sa mga suspek na sina Rene Salas, 39, na nagpakila­lang PO3 de los Santos, ng Natividad, Brgy. Am­pid, San Mateo Rizal at ang nagpakilalang P/Supt June Salas, na nakilalang si Regido Salas Jr., 46, ng Camp Aguinaldo, Quezon City. Ang dalawa ay kapwa umano con artists.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-3:00 ng madaling-araw, ka­hapon sa loob ng City Estate Hotel , sa   A. Mabini St. malapit sa  P. Faura St. Nagkakape umano sa nasabing hotel ang biktima nang lapitan ng nagpakila­lang colonel at sabay ipina­kilala ang kapatid bilang PO3 na kaniyang body­guard, Kapwa umano sila naka­ talaga   sa Philippine Na­tional Police (PNP) High­way Patrol Group. Hang­gang sa alukin na ng mga ito ang biktima ng   stickers na may logo ng PNP upang hindi mahuli sa daan.

“Nagtanong siya kung bisaya ako o kaya Ce­buano ako at sumagot ako na oo bisaya ako. Pagka­tapos nun nagpakilala siya na ako si Colonel Salas, taga Highway Patrol, bibig­yan kita ng stickers para kung sino maghuli sa iyo sabihin mo na kaibigan kita sabay kuha ito sa pitaka ng dalawang stickers,” ani Mangudadatu .

Ilang minutong pakiki­pagkuwentuhan ang na­ganap hanggang sa mang­hingi na umano ang mga suspek ng P11,000. Nang hingan ng ID ng biktima ay sinabihan siya na naiwan ng dalawa ang kanilang ID’s sa kotse.

“Iniabot ko muna ay P5,000 habang nagkuku­wen­tuhan kami. Sinabi niya kasi na yung kaibigan niya ay hindi pa lumalabas sa VIP room ng Casino wala pa daw siyang room at madaling araw na kaya humiram siya ng pera pangkwarto daw niya,” ani Mangudadatu.

Nang magduda ang biktima ay agad nitong ini­report sa security per­sonnel at pinaresponde­han sa pulisya kung saan inabutan na kapwa nagla­laro sa casino ang mga suspek.

Nabawi ang ibang ha­laga ng salapi at umamin ang dalawa na sila ay hindi totoong pulis habang ang stickers ng PNP ay mabibili umano sa kung saan-saan lang.

Kasong Estafa at Usur­pation of Authority ang ki­na­kaharap na kaso sa Manila Prosecutor’s Office ng magkapatid na suspek. (Ludy Bermudo)

BULUAN VICE MAYOR ESMAEL MANGUDADATU

CAMP AGUINALDO

CITY ESTATE HOTEL

COLONEL SALAS

FAURA ST. NAGKAKAPE

HIGHWAY PATROL

KAPWA

KASONG ESTAFA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with