^

Metro

2 maintainer ng drug den, arestado

-

MANILA, Philippines -  Dalawa sa limang ka­la­lakihang maintainer ng drug den ang naaresto ng mga operatiba ng Philip­pine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos ang pagsalakay sa lung­ga ng mga ito sa lungsod ng Manila kahapon ng hapon.

Ayon kay Metro Ma­nila Regional Office Chief Supt. Carlos Gatapan, na­kilala ang mga naares­tong mga suspek na sina Rodolfo Carga at Jeff Bartolome, kapwa mga look out sa operation ng drug den na matatag­puan sa #1622 at # 1625 J. Marsan St., Sam­paloc, Manila.

Sinasabing ang nasa­bing bahay ay bagsakan at gamitan ng droga ng mga drug pushers at users kung saan pangu­nahing target ng PDEA ay ang mga suspek na nakilalang sina Ruben Macaranas, Alex Carga, at Popoy Bene­dicto, mga maintainer ng nasabing drug den.

Ayon sa ulat,  naga­nap ang pagsalakay sa bisa ng search warrant na ipina­labas ng Re­gional Trial Court-Na­tional Capital Division Branch 28 Manila sa pa­mumuno ni Judge Niña Antonio Velasquez.

Sinabi ni Gatapan, ma­tagal na nilang mino­mo­nitor ang operasyon ng na­sabing mga suspek hang­gang sa mapatu­nayang malaki ang parti­sipasyon ng mga ito sa bentahan ng droga sa lungsod kung kaya agad silang humingi ng search warrant laban sa mga ito para sa gagawing pagsa­lakay.

Ganap na alas-2:30 ng hapon nang gawin ang pag­salakay sa na­sabing lugar kung saan nadakip ang dalawa ha­bang na­gawa namang makatakas ang tatlong nabanggit na maintainer sa pamamagi­tan ng pag­talon sa bintana patungo sa madilim na kalye dito.

Narekober sa lugar ang hindi pa mabatid na halaga ng droga at mga para­pher­nalia na ginaga­mit para sa paghithit ng na­sabing droga.

Bukod pa rito ang ibang droga na ayon sa PDEA ay itinapon at ipi­na-flush sa inidoro para maitago ang ebidensya.

Sa kasalukuyan, pa­tu­loy ang pagtugis ng awto­ridad sa nakatakas na mga suspek habang pa­tuloy naman ang imbesti­gasyon sa halaga ng na­samsam na droga. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

ALEX CARGA

ANTONIO VELASQUEZ

AYON

CAPITAL DIVISION BRANCH

CARLOS GATAPAN

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

JEFF BARTOLOME

JUDGE NI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with