^

Metro

2 sugatan sa bigong holdap

-

MANILA, Philippines - Dalawang empleyado ng money changer ang malubhang nasugatan ma­karaang ratratin ng dala­wang grupo ng riding in tandem gang sa insi­dente ng panghoholdap sa lung­sod Quezon kama­kalawa.

Kinilala ang mga bik­tima na sina Ramon ­, 31, ticketing officer ng San Isidro RIzal at Adrian del Rosario, 31, driver ng Las Piñas City; kapwa mga empleyado ng Rizal-based Seferico Money na mata­tagpuan sa Makati City.

Ayon sa ulat mabilis na tumakas ang mga suspect matapos ang insidente, ngunit nabigo namang makuha ng mga ito ang pakay na pera sa mga biktima dahil ang bag na kanilang nakuha ay pag-aari ng security guard na ang laman ay uniporme sa halip na ang pakay na pera.

Sa imbestigasyon, nang­yari ang insidente sa may Pitsburg St., corner Aurora Blvd., Brgy. Sila­ngan Cubao pasado alas- 6 ng gabi.

Sakay ng isang puting Toyota Corolla  (TNG-881) ang mga biktima kasama sina Arnelito Lascano, 32, at Rodrigo Cruz, 33, kapwa mga security guard ng money changer at tinata­hak ang nasabing lugar nang harangin ang mga ito ng mga suspek at saka pinaulanan ng bala ang sasakyan ng mga biktima sanhi upang tamaan sina Tabilaran at del Rosario.

Inagaw ng mga sus­pect ang dalang bag ng security guard na si Las­cano na ina­kala nilang pera at ma­bilis na nagsi­pagsakay sa kanilang motorsiklo at tumakas. (Ricky Tulipat)

ARNELITO LASCANO

AURORA BLVD

LAS PI

MAKATI CITY

PITSBURG ST.

RICKY TULIPAT

RODRIGO CRUZ

SAN ISIDRO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with