^

Metro

Transport group nagmartsa pabor sa RFID

-

MANILA, Philippines - Nagrali sa harapan ng tanggapan ng Land Trans­portation Office (LTO) ang malaking bilang ng mga transport leaders mula sa iba’t ibang organizations upang igiit at ipakita ang kanilang suporta sa Radio Frequency Identification project (RFID).

Pinangunahan ng United Transport Koalis­yon (1-UTAK) party-list, ang pinakamalaking trans­port coalition sa bansa, nina Obet Martin ng Pasang Masda, Efren de Luna ng ACTO, Zeny Maranan ng Fejodap ang naturang rally.

Hinikayat ng mga trans­­port leaders ang pa­munuan ng LTO na dikitan sila ng RFID stickers sa kanilang bitbit na mga payong bilang simbolo ng kanilang buong pusong pagsuporta sa RFID pro­ject ng LTO.

Naniniwala ang 1 UTAK na tanging ang RFID ang nag-iisa at naki­kita nilang solusyon upang masugpo ang kolorum at out of line activities ng mga tiwaling transport ope­rators.

Ayon kay 1 UTAK re­pre­sentative Vigor Men­doza, hindi niya maintindi­han kung bakit patuloy na tinututulan ng grupong PISTON ang pagpapa­tupad ng RFID gayung malaki ang magi­ging bene­pisyo nito sa lahat ng kan­yang miyem­bro. (Butch Quejada)

AYON

BUTCH QUEJADA

LAND TRANS

OBET MARTIN

PASANG MASDA

RADIO FREQUENCY IDENTIFICATION

SHY

UNITED TRANSPORT KOALIS

VIGOR MEN

ZENY MARANAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with