^

Metro

Ama todas sa ka-riot ng anak

-

MANILA, Philippines - Patay sa saksak ang isang 41-anyos na ama nang pagbalingang saksakin ng grupong karambulan ng anak na babae, kamakalawa ng gabi, sa Tondo, Maynila.

Nakilala ang biktima na si Ferdinand Roque, vendor ng #1583 Franco st., Tondo ay bi­na­wian ng buhay sanhi ng sak­sak sa kaliwang dibdib malapit sa kilikili.

Sugatan naman ang anak ng biktimang si Joy, 16; Melvin Indusil, 20; at  Ryan Rueda, 27, na pawang ginagamot pa sa Mary Johnston Medical Center. Itinuturong mga suspek sina alyas “Jeffrey”, “Ace Pring” at  “Joey Rico”.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-7:20 ng gabi nang ma­ganap ang insidente sa harap ng bahay na matatagpuan sa A. Franco st., Tondo.

Nabatid na nagbabantay sa kanilang karinderya ang biktima at misis na si Jessica nang su­miklab ang riot  na kina­bibila­ngan ng anak nilang si Joy at mga kaibigang babae.

Nang umawat umano ang bik­tima ay biglang may nam­bato ng mga bote at bato mula sa ka­ labang grupo nila Joy. Hindi rin namalayan na duguan na ang bik­tima at nang isugod sa paga­mutan ay idineklarang dead-on- arrival dahil sa saksak sa kali­wang dibdib. (Ludy Bermudo)

ACE PRING

FERDINAND ROQUE

ITINUTURONG

JOEY RICO

LUDY BERMUDO

MARY JOHNSTON MEDICAL CENTER

MELVIN INDUSIL

RYAN RUEDA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with