^

Metro

LRT Line 1 Extension, bubuksan na sa Pebrero

-

MANILA, Philippines - Kinumpirma kahapon ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang pagbubukas ng kanilang Line 1 Extension sa darating na Pebrero kung saan inaasahang matatapos na ang konstruksyon ng kanilang mga istasyon.

Ngunit nilinaw ni Tina Cassion, tagapagsalita ng LRTA, na hanggang Roosevelt Avenue sa Muñoz, Quezon City lamang ang inisyal na hang­ganan ng operasyon ng Line 1 Extension hanggang hindi pa natatapos ang terminal sa North Avenue.

“Supposedly po, iyong North Avenue extension ang magi­ging common terminal para sa ginagawa pa ring MRT 7 at ang MRT 3.  Ang pagbubukas po at pag­kumpleto ng EDSA loop ay depende kung kailan matatapos ang konstruksyon ng common terminal,” ani Cassion.

Dahil dito, hindi pa rin magi­ging dire-diretso ang magiging biyahe ng mga pasahero sa buong EDSA kung saan kaila­ngan pang maghintay ng hang­gang Hunyo na dito inaasa­hang matatapos ang konstruk­syon ng North Avenue Com­ mon Terminal.

Ipinaliwanag rin ni Cassion na sa oras na makumpleto na ang loop o ang koneksyon ng LRT Line 1 sa MRT 3 sa Hunyo, kailangan pa ring bumaba ng tren ng mga pasahero, mag­lakad sa elevated pathwalk at muling bumili ng tiket ng MRT para makalipat ng tren na bi­biyahe ng hanggang Taft Avenue sa Pasay City.

Samantala, sinabi naman ni Department of Transportation and Communications (DOTC) Undersecretary Guilling Ma­mondiong na posibleng ma­apru­bahan naman ng National Economic Development Autho­rity (NEDA) ang proyekto para sa “common ticket” sa lahat ng rail system kabilang ang LRT, Metro Rail Transit at Philippine National Railways  na isinasa­ilalim ngayon sa rehabilitasyon. (Danilo Garcia)

CASSION

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

HUNYO

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY

METRO RAIL TRANSIT

NATIONAL ECONOMIC DEVELOPMENT AUTHO

NORTH AVENUE

NORTH AVENUE COM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with