Lalaki tumalon sa footbridge, todas
MANILA, Philippines - Nagkabali-bali ang mga buto at basag ang mukha ng isang hindi nakikilalang lalaki matapos na umano’y magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa may 10 talampakang taas ng footbridge sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.
Isinalarawan ang nasawi na nasa sa edad na 30-35, katamtaman ang pangangatawan, naka-short pants ng asul at puting t-shirt, may tattoo sa kanang braso ng “Guardian at “Jun.” Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa may footbridge sa EDSA at Bulacan St., sa Quezon City ganap na alas-8 ng umaga.
Sinabi ng ilang saksi, unang nakitang naglalakad ang biktima sa nasabing tulay hanggang sa bigla na lamang itong tumalon. Ayon sa pulisya, may nakapagsabi umano sa kanila na ang biktima ay may kapansanan sa pag-iisip at laging nakikitang pagala-gala sa lugar. (Ricky Tulipat)
- Latest
- Trending