Dalaga dedo sa silver cleaner

MANILA, Philippines - Bigong ma­isalba ang buhay ng isang 24-anyos na dating guest relation officer (GRO) ma­tapos tumungga ng silver cleaner makara­ang maki­pag­talo sa nakatatandang kapatid, kahapon ng umaga sa Binondo, Maynila.

Nakilala ang nasawi na si Joan Septo,   ng Sevilla St., Binondo Maynila.

Sa imbestigasyon, da­kong alas-9 ng umaga nang madiskubre ang bik­tima na nakaupo sa loob ng ‘toilet bowl’ at nakalu­ngay­ngay ang walang saplot na katawan.

Ayon sa kaibigan ng bik­tima na kinilalang si Nice, nakita niya na pa­pa­sok ang biktima sa banyo at may bitbit na botelya dakong alas-7 ng umaga.

Dahil umano sa sob­rang tagal sa banyo ng ka­ibigan ay kinatok niya ito subalit hindi siya sinasagot kaya napilitan nang puwer­sahing buksan ang pin­tuan nito at doon bumu­ngad ang agaw-buhay na bik­tima.

Bago ito, sinabi ni Nice na nakipagtalo ang kan­yang kaibigan sa ate nito sa pamamagitan ng cell­phone. Hindi umano alam ni Nice ang pinagtatalunan ng magkapatid subalit na­kita sa mukha ng biktima na problemado. (Ludy Bermudo)

Show comments