^

Metro

Bahay gumuho: 3 sugatan

-

MANILA, Philippines - Tatlong miyembro ng isang pamilya ang nasuga­tan makaraang gumuho ang tinutuluyan nilang lumang bahay habang nasa kahimbingan sila ng tulog, kahapon ng mada­ling-araw sa Parañaque City.

Ligtas na sa kapaha­ma­kan makaraang isugod sa San Juan de Dios Hos­pital si Karen De Jesus, 23, habang inoobserbahan naman dahil sa mas ma­tinding pinsalang natamo ang iba pang biktimang sina Carlo, 45; at Ryan de Jesus, 18.

Sa pahayag ng pu­lisya, dakong alas-4 ng ma­da­ling-araw nang gu­muho ang dalawang pa­lapag na “ancestral house” ng mga De Jesus sa may Dongalo Village, Quirino Avenue, ng naturang lungsod.

Mahimbing na natutu­log ang pamilya De Jesus nang bumigay ang luma nang bahay at matabunan ng mga debris ang mga biktima.  

Ayon kay Karen de Jesus, nagkaroon umano ng malalaking bitak sa kon­kretong poste ng bahay habang malaking bahagi ng mga sahig na yari sa kahoy ang nasira nang ma­nalanta sa Metro Manila ang bagyong Ondoy.

Nais na sana nilang lu­mipat ng matitirhan ngunit hindi nila agad nagawa dahil sa kakapusan ng pera para pang-down-payment sa rerentahang bahay. (Danilo Garcia)

AYON

DANILO GARCIA

DE JESUS

DIOS HOS

DONGALO VILLAGE

KAREN DE JESUS

METRO MANILA

QUIRINO AVENUE

SAN JUAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with