^

Metro

Sekyu binoga ng karelyebo

-

MANILA, Philippines - Masuwerteng nakaligtas sa tiyak na kamatayan sanhi ng tinamong apat na tama ng bala sa kanyang katawan ang isang security guard maka­ra­ang pagbabarilin siya ng kapwa niya sekyu na karel­yebo sa duty, kamaka­lawa ng gabi sa Manda­luyong City.

Inoobserbahan pa rin naman ng mga mangga­gamot sa Victor Potenciano Medical Center sanhi ng mga tama ng bala sa kaliwang bahagi ng dibdib, kanang balikat, braso at hita ang biktimang si Ruben Gardon, 43, security guard ng Golden Beret Security Agency at nakatalaga sa J.G. Summit Petro Chemical Cybergate Bldg., sa Pioneer St., ng natu­rang lungsod.

Mabilis namang tumakas ang suspek na si Isidro Obu­ngin, ng De Marco, Paraña­que City. Bitbit nito ang baril na ka­libre .38 rebolber na gina­mit nito sa pamamaril.

Sa ulat ng Mandaluyong police, dakong alas-8 ng gabi nang maganap ang pama­maril sa loob ng Cybergate Bldg., sa Pioneer Street. Na­batid na hahalili na si Obungin kay Gardon sa pagdu-duty ngunit napansin ng huli na nasa impluwensya ng alak ang una.

Nagmagandang-loob na­man ang biktima nang pag­sabihan ito na huwag nang mag-duty dahil sa nakainom ng alak ngunit sa halip na magpasalamat ay minasama pa ito ng suspek. Nauwi ito sa pagtatalo hanggang sa magbunot ng baril ang suspek at apat na beses na pinapu­tukan ang biktima.

Sinabi pa ni Gardon nag­panggap siya na patay na nang malugmok sa semento upang tigilan na siya ngunit itinutok pa   ni Obungin sa kan­yang ulo ang baril na ma­suwerteng hindi pumutok ang baril sa dalawang beses na pagkalabit ng suspek. (Danilo Garcia)

vuukle comment

CYBERGATE BLDG

DANILO GARCIA

DE MARCO

GOLDEN BERET SECURITY AGENCY

ISIDRO OBU

OBUNGIN

PIONEER ST.

PIONEER STREET

RUBEN GARDON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with