Makilos na senior citizen hingi
MANILA, Philippines - Hinikayat ni Quezon City Mayor Feliciano Belmonte Jr. ang mga senior citizen na magkaroon pa ng bagong misyon sa buhay upang maging pro duktibo pa rin kahit matatanda na.
Sa pagdiriwang ng ika-198 birth anniversary ni Melchora Aquino na mas kilala bilang Tandang Sora, sinabi ni Belmonte na ang buhay ay hindi natatapos kung ang isang tao ay dumating na sa kanyang edad na pagiging senior citizen tulad ni Tandang Sora na nanindigan at lumaban sa kabila ng kanyang edad noong panahon ng mga Kastila.
Sa ngayon, kabilang ang pamahalaang-lunsod ng Quezon City sa nagpanimula ng pagbibigay ng trabaho sa mga senior citizen tulad ng pagiging caretaker ng mga daycare center, caregiver sa mga health center at tutor sa pampublikong paaralan.
- Latest
- Trending