^

Metro

Karaingan, problema ng mga taga-Quezon City, inikutan ni Joy B.

-

MANILA, Philippines - Patuloy na inaalam ni Li­beral Party Quezon City Vice Mayoral candidate Joy Bel­monte ang karaingan at ibang problema o panga­ngailangan ng mga residente ng lunsod para matiyak ang serbisyong mailalaan niya sa mga ito.    

Kasama ni Belmonte sa ad­hikaing ito ang mga ba­rangay officials, People’s Orga­nization at Non-Govern­ment Organization.

Ang naturang mga grupo kasama ni Belmonte ay nag­tu­­tungo sa iba’t ibang lugar sa Quezon City upang kunin ang datos at alamin ang mga bagay na kailangang paunla­rin dito. Sinabi ni Joy na, ba­gaman marami nang nagawa ang tatay niyang si QC Mayor Feliciano “SB” Belmonte, may mga bagay pa rin itong ma­iiwan na dapat niyang ma­ipag­patuloy tulad ng health services, livelihood programs, environmental programs at iba pa.

“Matatapos na ang term ng tatay ko at kahit na madami na siyang nagawa para sa mga taga-QC, may mga bagay pa rin na dapat nating maipagpatuloy tulad ng ibat ibang serbisyo sa mga taga-lunsod,” pahayag ni Joy. 

Sinabi niya na sa pama­magitan ng pagkilala sa mga nais pang maibigay sa mga taga-lunsod, maiibsan din ang 40 percent poverty level dito. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

BELMONTE

JOY BEL

MAYOR FELICIANO

PARTY QUEZON CITY VICE MAYORAL

QUEZON CITY

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with