'Isip-bata' tinarakan patay
MANILA, Philippines - Isang 25-anyos na sinasabing ‘autistic’ ang hinihinalang pinagtripang patayin ng di pa matukoy na salarin, habang papauwi sa kanilang bahay matapos maglaro sa isang internet shop, kahapon ng madaling-araw, sa Tondo, Maynila.
Patay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Aries Parcon, 25, binata na may pag-iisip na maikukumpara sa isang ‘paslit’, residente ng #2261 Ugbo st., Tondo. May nakapagsabi na ang suspek ay nakasuot ng sumbrero at brown na long sleeve shirt.
Sa ulat ni Det. Edgardo Ko ng Mnaila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente sa kahabaan ng Trinidad corner JP Rizal Sts., Tondo dakong ala-1:10 ng madaling-araw.
Naglalakad umano ang biktima na nakitang nakikipagtalo sa suspek hanggang sa biglang tarakan ng huli ang una na humandusay sa lugar at saka iniwan ng suspek.
Nabatid sa pamilya ng biktima na mahilig lamang sa computer games ang nasawi at hindi naman umano perwisyo sa kanila ng pagiging isip-bata nito. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending