^

Metro

Anak ng negosyante niregaluhan ng bomba

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Nabulabog ang da­ang tenants ng may 22 palapag ng gusali sa lungsod Que­zon, ma­tapos na isang kahong regalo na nagla­laman ng hinihinalang bomba na dapat sana ay para sa isang negosyante ang natuklasan dito ka­hapon ng tanghali.

Dahil dito, pansaman­ta­­lang natigil ang gawain ng mga kawani sa iba’t ibang tanggapan ng Pre­sidential Tower Resi­dence na mata­tagpuan sa Timog Avenue, corner Sct. Ybar­dolaza Brgy. South Tri­angle sa lung­sod nang umugong ang ingay na may bom­bang tinangkang pasabu­gin dito.

Ayon kay Police Insp. Arnulfo Franco, hepe ng District Bomb Disposal unit ng QCPD, natang­gap nila ang tawag na may bomba mula sa guwardiya pasado ala-1 ng hapon at agad silang rumesponde at na-neu­tralized ang bomba para mapigilan ang pag­sabog.

Sa pagsisiyasat, nang­­yari ang insidente pasado alas-12 ng tang­hali nang isang regalo ang natang­gap ng mga kawani sa One Drop De­sign Office na matatag­puan sa ika-22 pa­lapag ng nasabing gusali.

Ayon kay Yen Marce­lino, building adminis­trator, ang regalo na naka-gift wrapped umano ay naka-address kay Maria Jose Bautista, anak ng may-ari ng New San Jose Builders Deve­lopment na nag-oopi­sina sa nasabing gusali.

Sinasabing nang ma­tanggap ni Bautista ang nasabing regalo ay may isang note na may naka­sulat na “Paki tawagan mo na muna ang number na ‘yan bago mo buksan” na siyang pinagdudahan ng una kung kaya ipi­nasya nitong sirain na lamang ang kahon kung saan bu­mulaga sa kanya ang hinihinalang bomba.

Sa loob ng kahon ay may nakitang isang cell­phone na may nakakabit na detonating cord, at bo­telya na naglalaman ng isang uri ng substance na siyang ugat upang ma­alarma si Bautista at agad na iniutos sa gu­wardiya na ipababa ito sa ground floor ng gusali at saka tumawag ng awto­ridad.

Hinihinala ng pulisya na posibleng ang target ng pagpapasabog ay si Bau­tista at kung nagawa niyang tawagan ang ibini­gay na numero ay ma­aring sumambulat ito at ma­laking pinsala ang ina­asahang mangyayari.

ARNULFO FRANCO

AYON

BAUTISTA

DISTRICT BOMB DISPOSAL

DROP DE

MARIA JOSE BAUTISTA

NEW SAN JOSE BUILDERS DEVE

POLICE INSP

SHY

SOUTH TRI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with