^

Metro

Shabu sa singit, Koreano tiklo

-

MANILA, Philippines - Isang Koreano ang na­hulihan ng may 270 gramo ng ‘shabu’ matapos  makapa sa pagitan ng dalawang singit nito ng isang  non-uniform personnel ng Philippine National Police Aviation Security Group sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), kamakalawa ng gabi.

 Sa report na ipinadala nina  PNP Sr./Supt. Nap Cua­ton at Supt. Raniel Vil­lones kay ASG Director Edwin Corvera, kinilala ng dalawa ang suspek na si Seong Phil Hong, may passport number TM 1005425 na nahulihan ng ipinagbabawal na gamot habang nakatago sa kaniyang underwear ha­bang suma­ilalim ito sa body frisking sa final security check sa nasabing pali­paran.

Sinabi ni Villones, si Hong ay sasakay sana sa eroplano ng Asiana Airlines flight 706 patungong Seoul, South Korea ng makunan ng shabu ni Francisco Ople, frisker ng ASG. 

Sa ulat ni Ople kay Vil­lones nagduda siya sa Ko­reano na may itinatago itong droga ng makapa niya ang isang matambok na bagay sa suot niyang underwear.

Ayon kay Villones, dahil sa pangyayaring ito inimbita nila sa isang kuarto sa pali­paran si Hong at pinaghubad para malaman ang matam­bok at nakabukol na bagay sa kan­yang underwear.

Si Hong ay ipinagharap ng sakdal sa Pasay City Prose­cutor’s Office ng mga awto­ridad sa paliparan. (Butch Quejada)

ASIANA AIRLINES

BUTCH QUEJADA

DIRECTOR EDWIN CORVERA

FRANCISCO OPLE

ISANG KOREANO

NAP CUA

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PASAY CITY PROSE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE AVIATION SECURITY GROUP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with