Pulis QC niratrat, patay

MANILA, Philippines - Patay ang isang kaga­wad ng pulisya makaraang ratratin ng hindi nakikilalang salarin habang ang una ay nagsasa­gawa ng surveillance sa isang lugar sa lung­sod Que­zon, iniulat kahapon.

Kinilala ang nasawi na si PO2 Dennis Dadea, 35, na­katalaga sa Police Community Precinct 3 ng Quezon City Police at residente ng Dantes Compound, Balinta­wak sa lungsod.

Patuloy naman ang pa­nga­ngalap ng impormasyon ng Criminal Investigation and Detective Unit (CIDU) ng QCPD upang matukoy ang salarin.

Base sa ulat ni PO3 Rodel Tumanday, nangyari ang insidente sa may Sitio Pajo, Brgy. Baesa sa lung­sod pa­sado alas -5 ng hapon.

Ayon sa residenteng si Jovelyn Rueda, nasa loob siya ng kanyang bahay nang makarinig siya ng mga putok ng baril mula sa labas at nang kanyang tingnan ay nakita na lamang niya ang biktima na duguang nakabu­lagta sa daan.

Sinasabing nagsasa­gawa umano ang biktima ng surveillance laban sa lawless elements sa lugar nang mang­yari ang naturang pa­mamaril.

Ayon pa sa ulat, matapos ang pamamaril, kinuha pa ng suspek ang service firearm ng bik­ tima, bago tuluyang tu­makas.

Sa pagsisiyasat, nare­kober sa lugar ang dalawang piraso ng basyo ng kalibre 45 baril na pinaniniwalaang gina­mit ng suspek sa pama­maril sa biktima.

Patuloy pa rin ang isina­sa­gawang imbestigasyon upang matukoy kung sino at ano ang motibo sa pama­mas­lang. (Ricky Tulipat)

Show comments