Roller ng barko kumalas, misis todas

MANILA, Philippines - Isang 47-anyos na gi­nang ang nasawi habang sugatan naman ang mister nito nang mabagsakan ng isang mala­king steel roller na tumilapon nang bumigay sa pagkaka-angkla sa isang papaalis na cargo ship, sa Pier 6, North Harbor, May­nila kahapon.

Dead on the spot ang biktimang si Nelia Acedera, 47, ng TC-18 Barangay Citrus­, San Jose Del Monte, Bulacan dahil sa pagkaka­bagsak ng napakabigat na metal roller sa kaniyang kata­wan at dumurog din sa kani­yang mukha.

Masuwerteng nakaligtas gayunman ay nabalian ng hita ang mister nitong si Fran­­cisco Acedera, 56, estibador ng Negros Navigation, ang may-ari ng nasa­bing cargo ship at kasalu­kuyang ginaga­mot sa Mary Johnston Hospital.

Ayon sa ulat ni Det. Jaime Gonzales ng Manila Police District-Homicide Section, aksidente uma­nong bumigay ang metal roller, na pinag-iikutan ng lubid na naka-dock na barko, sa loob ng compound ng Negros Navigation at Port 6, North Harbor, Port Area da­ kong ala-1:00 ng ma­daling-araw.

Masuwerte ding nakalig­tas sa tiyak na kapahama­kan ang anak ng mag-asawa na 2-taong gulang.

Papaalis na umano ang MV San Sebastian Cargo Vessel sa Pier patungo ng Palawan matapos itong mag­diskarga nang biglang bumi­gay ang metal roller habang kinakalag ng mga security guard ang tali ng barko, na tu­milapon sa da­lawang bikti­mang natutulog sa tabi ng ship dock.

Sa kabila ng pangyayari, itinuloy pa rin ni Captain Domidor Hortilloza ang pag-alis ng barko at mga crew   na mistulang hinit-and-run ang mag-asawa.

Nabatid na nagtatrabaho ang mister ng nasawi sa Pier at bumisita sa kaniyang tra­baho ang misis kaya doon na pinatulog.

Hindi naman umano alam ng pamunuan ng Neg­ros Na­vigation na nagdadala ng ka­pamilya ang kanilang emple­yado, na hindi nila pi­na­paya­gan, bagamat sa­sa­gutin umano ang gastusin ng mga biktima.

Show comments