Chairman binoga ng prexy ng kompanya
MANILA, Philippines - Matapos magtalo hinggil sa pamamalakad sa kanilang kumpanya, isang chairman of the board ang binaril ng kanilang presidente kamakalawa sa Caloocan City.
Sugatan at inoobserbahan sa Chinese General Hospital ang biktimang si Edgar Tang, 46, chairman of the board ng Megapack Container Corporation at residente ng Grace Village, Quezon City.
Pinaghahanap naman si Salvador Lara, presidente ng kompanya at naninirahan sa Valle Verde, Pasig City.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Caloocan City Police, dakong alas-2:15 ng hapon, nagtatalo ang biktima at ang suspek sa loob ng nasabing kompanya sa General Tirona St., Bagong Barrio ng lungsod na ito.
Binunot ng suspek ang dalang baril at pinutukan si Tang bago tumakas habang dinala naman ang biktima sa nabanggit na pagamutan ng ilang tauhan nito. Habang sinusulat ang bali tang ito, patuloy pang nagsasagawa ng follow-up operation ang mga pulis hinggil sa naturang insidente. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending