^

Metro

Taong 2009 naitala ng LRTA ang all-time high sa pasahero

-

MANILA, Philippines - Nakapagtala ng “all-time high record” ang taong 2009 sa dami ng mga pasaherong sumakay sa Light Rail Transit Line 1 (Baclaran-Monumento).

Sinabi ni LRTA Administrator Melquiades Robles na may kabuuang 149.44 milyong pasahero ang kanilang naitala sa Line 1 na dumaig sa may 15 taon nang rekord na 145.83 milyon noong 1994.

Dahil dito, sinabi ni Robles na matatawag nang totoong alternatibong transportasyon sa Metro Manila ang LRT sa mga masa at sa mga nasa “middle class”.

“They have really learned to patronize the LRT systems. In fact, our ridership record remained high even during those times when fuel prices were low,” ayon kay Robles.

Kabilang umano sa mga rason kung bakit mas tina­tangkilik ngayon ang train system ay dahil sa patuloy na pag­­dami ng sasakyan sa kal­sada, pagtaas ng halaga ng petrolyo, pagkamulat sa pa­ngangalaga sa kalikasan, pag­daragdag nila ng train units at mas mababang pasahe.

Ipinagmalaki naman ni Robles ang ginawa nilang rehabi­litasyon sa mga tren na hindi magamit sa loob ng 15 taon upang madagdagan ang kani­lang mga units at pag­sasa­ayos ng kanilang mga istasyon.

Pinakamataas naman ang naitalang 582,989 pasahero sa iisang araw noong Enero 9, 2009 sa Pista ng Itim na Nazareno.

Ngayong taon, inaasahan naman na lalo pang tatangki­likin ng mga pasahero ang LRT train system sa pag-uum­pisa ng operasyon ng LRT North Extension na posible nga­yong Pebrero. (Danilo Garcia)

ADMINISTRATOR MELQUIADES ROBLES

BACLARAN-MONUMENTO

DAHIL

DANILO GARCIA

ENERO

LIGHT RAIL TRANSIT LINE

METRO MANILA

NORTH EXTENSION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with