^

Metro

Call center agent nagpakamatay sa ospital

-

MANILA, Philippines - Natuluyang masawi ang isang 31-anyos na call center agent matapos maglaslas sa loob ng comfort room ng ospital, sa Ermita, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Natagpuan na hawak pa ang kutsilyong ginamit sa pagla­laslas ng pulso ng biktimang si Rommel Velas, binata, ng #5 Yakal St., Marieta Romeo Village, Sta. Lucia, Pasig City, sa loob ng comfort room ng Room 543, 5th floor RCB 1, sa Philippine General Hospital (PGH) sa Ermita, Maynila.

Sa ulat ni Det Edgardo Ko ng Manila Police District -Homicide Section, hinihinalang sa pagitan ng alas-12:30 hang­gang ala-1:00 ng madaling-araw isina­gawa ng biktima ang pag­papa­kamatay.

Nakita pa itong buhay bago mag-alas 12:30 ng madaling araw ng duty nurse na si Mark Erwin Garcia.

Ayon sa nurse, nag-routine inspection siya sa silid ng bik­tima at nakita niyang pu­masok sa CR at narinig pa niyang nag-flush ito.

Dakong alas-2:00 ng ma­daling-araw nang magising si Harlan Velas, ama ng biktima, na wala sa kanyang higaan si Rommel kaya inalam kung nasa banyo subalit naka-lock ito kaya nagpatulong sa nurse na ma­buk­san ito.  

Sa banyo tumambad ang duguang si Rommel na may laslas sa kanang pulso at laslas din sa leeg. Nasa kaliwang kamay naman nito ang ginamit na kutsilyo.

Ayon sa ama, may pahi­watig na umano ang anak na mag­pa­pa­kamatay nang naka-confine pa ito sa Medical City sa Pasig ng limang araw na ina­kala niyang pagbibiro lamang.

May sakit umanong pneumonia ang anak kaya ito nata­galan sa ospital at inilipat pa sa PGH. (Ludy Bermudo)

AYON

DET EDGARDO KO

ERMITA

HARLAN VELAS

HOMICIDE SECTION

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT

MARIETA ROMEO VILLAGE

MARK ERWIN GARCIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with