Seguridad sa Pista ng Nazareno, ikinasa
MANILA, Philippines - Tiniyak kahapon ni Manila Mayor Alfredo S. Lim ang segu ridad at kaligtasan ng milyun-milyong deboto ng Nazareno na inaasahang dadagsa sa kapistahan nito sa Sabado matapos na makipagpulong kay Manila Police District Chief Supt. Rodolfo Magtibay.
Ayon kay Lim, inatasan na niya si Magtibay kasama si City Engineer Armand Andres na inspeksyunin ang ruta ng pagdadaanan ng prusisyon upang matiyak ang kaligtasan ng mga deboto.
Ipinaliwanag ni Lim na hindi matatawaran ang taong sasama sa paglibot ng Poong Nazareno kung kaya’t dapat lamang na maging maayos at ligtas ang mga daan.
Bukod dito, binigyan ng direktiba ni Lim ang lahat ng mga medical personnel ng lungsod na maging handa upang magbigay ng serbisyo lalo na sa mga hindi inaasahang hihimatayin o aabutin ng kanilang karamdaman sa pagtupad sa kanilang panata tuwing pista ng Quiapo. (Doris Franche)
- Latest
- Trending