^

Metro

Traffic enforcer binoga, patay

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Mistulang ang kara­nga­lang nakamit ng isang traffic enforcer ay may ka­palit na ka­lungkutan sa kani­yang pa­milya matapos itong barilin at mapatay habang naka-duty sa traffic sa Sampaloc, May­nila, kama­ka­lawa ng hapon.

Binawian ng buhay ha­bang ginagamot sa UST Hospital ang biktimang si Alnor Suller, 37, may-asawa, mi­yem­bro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ng Manila City Hall at residente ng Pampanga St., Gaga­langin, Tondo sanhi ng tama ng bala sa liku­rang bahagi ng katawan.

Hindi pa natutukoy ang salarin. Sa ulat ni Det. Jona­than Bautista ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-5:10 ng hapon nang ma­ga­nap ang insi­dente sa ha­rapan ng Immaculate Con­cepcion Ladies Hall sa 1473 España, Sam­paloc, Maynila.

Sa naging salaysay ng saksing sina Roland De Guzman at Romeo Cuevas, kapwa pedicab driver, nakita nila ang biktima na sakay ng isang motorsiklo habang binabagtas ang España Ave., sa direksyon ng Que­zon City subalit pagsapit sa nasabing lugar unti-unting bumagsak ang katawan nito sa semento na sinaklolohan niya upang madala sa ospital.

Nabatid na katatapos la­mang magmando ng trapiko ng biktima sa P. Naval nang sumakay sa motor­siklo at nang mabaril umano ay nakatawag pa sa MTPB-Control Base at sinabing may tama siya.

Isa sa anggulong ina­alam kung may kinalaman ang pagkakadakip ng bik­tima sa dalawang holdaper noong Oktubre 20, 2009, sa hara­pan ng North Star Trans­port, sa España at Craig Sts., kung saan na­patay ng mga ito ang isang Ferrari Tan, 20, nurse ng Ospital ng Makati nang pilit nitong kinukuha ang kan­yang mga gamit sa mga holdaper at mahulog ito sa sinasakyang dyip at masa­gasaan ito ng isa pang pa­parating na jeepney.

Isa si Suller sa napara­nga­lan ni Manila Mayor Alfredo Lim sa pagkaka­aresto sa mga suspek na sina Stanley Buena, 27 at Jerome Lambada, 24, kap­wa miyem­bro ng Bahala na Gang, na nakapiit na sa Manila City Jail.

Bukod sa parangal ay na­bigyan ng P10,000 cash award at nakatakda nang i-promote sa kaniyang ser­bisyo.

vuukle comment

ALNOR SULLER

CONTROL BASE

CRAIG STS

ESPA

FERRARI TAN

IMMACULATE CON

ISA

JEROME LAMBADA

LADIES HALL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with