^

Metro

3 holdaper ng pulis, tiklo

-

MANILA, Philippines - Arestado ang tatlong holdaper matapos nilang bikti­mahin ang isang bagitong pulis sa Navotas City kama­kalawa. Nakilala ang mga suspek na sina John Rey Escobia, 21; Nenito Anciano, 19 at Zaldy Conchas, 27 pawang mga taga- Road-10, North Bay Boulevard South ng lungsod na ito.

Sa pahayag ng biktimang si PO1 Jovenal de Vera, 42, nakatalaga sa Maritime Police, nabatid alas-5 ng hapon, ka­sakay niya ang mga suspek sa pampasaherong jeep nang magdeklara ng holdap ang mga ito.

Dahil naka-civilian ay hindi inakala ng mga suspek na pulis ang biktima kung saan hindi pinansin ng mga holdaper ang dalang clutch bag ng biktima na pinaglagyan ng baril ni de Vera. Matapos makuha ang relo ni de Vera at gamit ng ilang pasahero ay agad na nagbabaan ang mga suspek upang tumakas.

Agad namang kinuha ni de Vera ang baril at mabilis na hinabol ang mga suspek hanggang sa magpalitan ng putok.

Ilang nagpapatrulyang mga pulis ang nakaresponde na naging dahilan upang sumuko ang mga suspek subalit wala na ang mga nakulimbat ng mga ito na sinasabing naitapon sa kung saan. (Lordeth Bonilla)

ARESTADO

DAHIL

JOHN REY ESCOBIA

LORDETH BONILLA

MARITIME POLICE

NAVOTAS CITY

NENITO ANCIANO

NORTH BAY BOULEVARD SOUTH

ZALDY CONCHAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with