^

Metro

Lagari boys nalambat

-

MANILA, Philippines - Nahuli sa akto ang tatlong lalaki na nilalagare ang mga kable ng Philippine Long Distance Telephone Co. sa San Andres, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni P/Insp.Edgardo Ronquillo, hepe ng Police Community Precinct-Dagonoy ang mga suspek na sina Renato Crisostomo, ng 2135 Primo Rivera St., Makati City; Jeffrey Balaba ng 4058 Kalayaan St., Makati City; at Patrick Romeo Rosales, ng 4707 Salchega St., Tenejeros, Makati City.

Ayon kay Ronquillo, nagpapatrulya ang mga tauhan niya nang madaanan ang mga suspek dakong alas 4:30 ng madaling-araw sa Oro B. San Andres, Maynila sa aktong nagpuputol ng kable ng PLDT.

Mabilis na inaresto ang mga suspek na nakuhanan ng tatlong lagareng bakal at nakarolyong mga kable ng tele­pono na tinatayang aabot sa halagang P100,000. (Ludy Bermudo)

EDGARDO RONQUILLO

JEFFREY BALABA

KALAYAAN ST.

LUDY BERMUDO

MAKATI CITY

MAYNILA

ORO B

PATRICK ROMEO ROSALES

PHILIPPINE LONG DISTANCE TELEPHONE CO

POLICE COMMUNITY PRECINCT-DAGONOY

SAN ANDRES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with