^

Metro

Tumanggi sa kape, pinatay

-

MANILA, Philippines - Isang obrero ang napa­tay makaraang tarakan ng saksak ng kanyang kaba­bayang Waray na nairita nang tanggihan niya ang inialok nitong kape sa Ba­rangay Bagong Silangan, Quezon City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni P/Supt. Cri­sostomo Mendoza, hepe ng Batasan Police station 6, ang biktima na si Franco Gallego, 33, ng Barangay San Jose, Calumpang, Antipolo City.

Si Gallego ay binawian ng buhay matapos isugod sa East Avenue Medical Center dahil sa  tinamong isang tama ng balisong sa kanang dibdib.

Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang na­katakas na suspek na si Faustino Casiguran, 50, ka­babayan ng biktima at nakatira sa Area 5 Sitio Ku­munoy, Bagong Silangan.

Nauna rito, nagka-inu­man muna ang bik­tima, suspek at ibang ka­sa­mahan. 

Sa gitna ng inuman sa nasabing lugar, nagtalo ang dalawa na agad na­mang napakalma ng iba nilang kainuman.

Sinasabing nakipag-areglo pa si Faustino kay Gallego at para maging maayos ay ipinagtimpla pa niya ang huli ng kape su­balit tumanggi ito at si­na­bayan ng pag-alis para umu­wi na umano sa bahay nila.

Sa puntong ito, dahil napahiya ay muling nagalit ang suspek at hinabol ang biktima bitbit ang isang patalim at inundayan ito ng saksak sa dibdib saka ma­bilis na tumakas. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

BAGONG SILANGAN

BARANGAY SAN JOSE

BATASAN POLICE

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

FAUSTINO CASIGURAN

FRANCO GALLEGO

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with