^

Metro

Urinal para sa babae ikakalat

-

MANILA, Philippines - Natatakpang mga urinals o ihian para sa kababaihan ang kabilang sa mga mauunang proyekto ng Metro Manila Development Authority ngayong taong 2010.

Sinabi ni MMDA Chairman Oscar Inocentes sa isang panayam na itatayo nila ang mga urinals na may mga takip sa ilalim ng mga footbridge sa kalakhang Maynila.

Naisipan ng MMDA ang naturang proyekto kasunod ng tagumpay ng proyektong urinals para sa kalalakihan kung saan mas kokonti na ang mga lalaking nakikitang parang asong umiihi sa mga pader at poste. Titiyakin naman ng MMDA ang kalinisan ng mga urinals para sa mga babae upang hindi masalaula ang mga ito.

May panukala rin ngayong taon ang MMDA na lumayo sa dating kulay na “pink” ang Metro Manila at gawing “Metro Green”. Sa ilalim nito, makikipag-ugnayan ang MMDA sa mga “horticulturist, tree doctors, foresters at agriculturists” lalo na sa mga non-government organizations upang mag­bigay ng kanilang tulong at ekpertisya para sa ikatata­gumpay ng programa.

Sa pamamagitan umano ng mas maraming tanim at puno, gaganda na ang Metro Manila at higit pa itong maka­kabawas sa polusyon. (Danilo Garcia)

CHAIRMAN OSCAR INOCENTES

DANILO GARCIA

MAYNILA

METRO GREEN

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NAISIPAN

NATATAKPANG

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with