^

Metro

Technician tumitig, kinatay

-

MANILA, Philippines - Lumuwa ang bituka nang mawakwak ang tiyan ng isang 23 anyos na glass­ware technician ma­karaang saksakin siya ng isang lalaking kanyang nati­tigan sa Tondo, Manila kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Randyl Panis, binata, ng 267 Area A, Gate 2, Parola compound, Tondo.

Hindi pa matukoy ng pu­lisya ang pagkakaki­lanlan sa tumakas na suspek habang isinusulat ito.

Sa ulat ni Det. Jay San­tos ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-7:00 ng gabi nang maganap ang insi­dente sa harapan ng Gate 2, Area A, Parola compound, Tondo.

Nakatayo umano ang biktima sa Gate 2 nang du­ maan ang suspek at napa­tingin sa huli ang biktima.

Posibleng minasama umano ang tingin ng bik­tima kaya sa pagbalik ng suspek ay armado na ito ng patalim at mabilis na sinak­sak sa tiyan ang biktima na ikinaluwa ng bituka nito.

Mabilis na sumaklolo ang mga kapitbahay ng biktima at dinala siya sa ospital habang ang suspek ay mabilis na tumatakas. (Ludy Bermudo)

AREA A

GAT ANDRES BONIFACIO HOSPITAL

JAY SAN

LUDY BERMUDO

LUMUWA

MABILIS

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

PAROLA

RANDYL PANIS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with