^

Metro

Dalagita kasabwat ng 3 holdaper

-

MANILA, Philippines - Nadakip ng pulisya sa isang follow-up operation ang tatlong holdaper na kinabibilangan ng isang menor de edad habang tinu­tukoy din ang pagka­kilanlan ng isang dalagita na sina­sabing kasabwat nila sa panghoholdap sa isang pampasaherong dyip sa Sta. Cruz, Manila ka­hapon ng madaling-araw.

Nakapiit sa Manila Police District-Women and Children Concern Division ang mga suspek na sina Richard Dacanay, 18, ng 2701 Lico St., Tondo; An­gelito Macabu­los, 20, ng 2632 Lico St., Tondo at isang 15-anyos na pina­nga­­lanang “Jeff”.

Positibong kinilala ng mga biktimang sina Loridyn Centillas, 21; Daisilyn Un­dato, 19, at Jocelyn Almo­nicar, 20, pawang resi­dente ng no. 21 ng Laong-laan St., Pajo, Caloocan City.

Sa ulat ni C/Insp Anita Araullo, hepe ng WCCD, na­ganap ang insidente da­kong ala-1:30 ng madaling araw sa loob ng isang pampasa­he­rong jeep­ney sa panulukan ng Rizal Avenue at Tambun­ting Street sa Sta Cruz.

Sa salaysay ng mga bik­tima, sakay sila ng pampa­saherong dyip nang suma­kay ang isang babaeng pasa­hero pero hindi pa man na­ka­kalayo ang sa­sakyan ay bigla nitong pi­na­para ang jeep at bumaba na nagda­hilan na may na­kalimutan siya.

Sa puntong iyon ay na­kaabang naman sa ma­dilim na bahagi ng Tambun­ting ang tatlong suspek na ma­bilis na sumampa sa jeep­ney pagbaba ng ka­sabwat na babae.

Agad umanong nagdek­lara ng holdap ang tatlo at kinolekta ang tinatayang P5,000 cash at cellphone ng mga biktima.

Nang magsipulasan na ang mga suspek ay agad nagsumbong ang mga bik­tima sa nagrorondang ba­ran­gay tanod na sina Fer­dinand Lanon at Rodolfo de Guzman, kapwa sa Bgy 375 Zone 38.

Mabilis na nakipag-ugnayan ang mga tanod sa Bgy. 210 na pinamumu­nuan ni Chairwoman Josie Lo­zano na sinasabing kila­lang residente niya ang mga suspek base sa pagla­lara­wan ng mga biktima.

Nang maaresto ang mga suspek ay narekober pa ang natangay na Nokia N-70 series na pag-aari ng isa sa biktima subalit wala na ang natangay na cash.

Aminado ang mga tanod na takot ang mga jeepney driver sa bahagi ng Tambun­ting at hindi nagsasakay ng mga kala­lakihan sa disoras ng gabi o madaling-araw dahil sa talamak na holdapan.

Naniniwala sila na dahil sa ginamit na babaeng nag­panggap na pasahero kaya nagkaroon ng pagka­ka­taong makapang­holdap ang mga suspek. (Ludy Bermudo)

BGY

CALOOCAN CITY

CHAIRWOMAN JOSIE LO

DAISILYN UN

INSP ANITA ARAULLO

ISANG

LICO ST.

SHY

TAMBUN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with