^

Metro

Binatilyo todas sa rambulan sa bola

-

MANILA, Philippines - Napatay ang isang 14 anyos na binatilyo nang magrambulan ang dala­wang grupo ng out-of-school youths dahil sa isang bola ng volleyball sa Rizal Park, Ermita, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ni C/Insp. Erwin Margarejo, hepe ng Manila Police District- Homicide Section, ang biktimang si Jayson Pag­danganan, 14, ng 59 Purok 1, Bungad, Isla Puting Bato, Tondo, Manila ay idineklarang dead-on-arrival sa Gat Andres Bonifacio Hospital bunga ng tama ng sak­sak sa likod.

Nadakip ang tatlo sa mga suspek na sina Julius Cajefe, 16, ng 843 Camba st., Binondo, Manila; Rodney Lan­sona, 16, ng 219 San Ni­colas st., Binondo; at Edman Sapasap, 16, ng 286 Lavezares Street, Binondo.

Dahil sa menor-de- edad, inilipat na sa kus­todiya ng Department of Social Welfare and De­velopment ang tatlong suspek.

Sa imbestigasyon ni Det. Edgardo Ko, nag-ugat ang rambulan da­kong alas-2:10 ng ma­daling-araw, sa harap ng Quirino Grandstand sa Luneta nang ang grupo ng biktima na tinatayang 30 katao at ang grupo ng mga suspek na binubuo naman ng 20 katao ay naglabu-labo.

Nabatid na namama­hi­nga sa madamong parte ng Luneta ang grupo ng mga biktima ma­tapos mapagod sa paglalaro nang mapa­dako sa kanilang grupo ang volleyball na tumama sa mukha ni Pagda­nganan.

Nang kukunin ng isang 15-anyos na dala­gitang kasamahan ng mga suspek ang bola ay galit na galit umano ang biktima at kinompronta ang una.

Nagsumbong ang da­lagita sa kanyang kuya na kasama ng mga sus­pek kaya sumalakay ang mga ito sa grupo ng biktima.

Nagkasuntukan hang­gang sa bumagsak si Pagdanganan nang du­guan at may tama ng saksak sa likod kaya nagsipulasan ang mga suspek pero tatlo lamang ang nadakip ng pulisya. (Ludy Bermudo)

BINONDO

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DE

EDGARDO KO

EDMAN SAPASAP

ERWIN MARGAREJO

GAT ANDRES BONIFACIO HOSPITAL

HOMICIDE SECTION

ISLA PUTING BATO

JAYSON PAG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with