^

Metro

Kelot itinumba nang manaway ng nagpapaputok

-

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang 29- anyos na lalaki makaraang pagtulungang saksakin ng dalawang lalaki nang pagba­walan ng biktima ang mga sus­pek na magpaputok ng ma­lalakas na paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon kahapon ng madaling-araw sa Muntinlupa City.

Hindi na umabot ng buhay sa Alabang Medical Clinic ang biktimang si Roderic Ramil, may-asawa, at dating nakatira sa #70 Garcia Compound, Cupang, Muntinlupa.

Agad namang tumakas ang dalawang suspek na sina Jon-jon Banicid at Arwanito Gupo, naninirahan rin sa na­turang compound.

Sa ulat ng Muntinlupa police, naganap ang krimen dakong ala-1 ng madaling- araw sa tapat ng bahay ng biktima. 

Patapos na ang putukan at naghahanda nang matulog ang pamilya ng biktima pero tuloy pa rin sa pagsisindi ng malalakas na paputok ang mga suspek sa tapat ng bahay nito.

Sinita naman ng biktima ang dalawang suspek na lango sa alak na pumalag at na­uwi sa pagtatalo at suntu­kan hanggang saksakin ang biktima. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ALABANG MEDICAL CLINIC

ARWANITO GUPO

BAGONG TAON

BANICID

CUPANG

DANILO GARCIA

GARCIA COMPOUND

MUNTINLUPA

MUNTINLUPA CITY

RODERIC RAMIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with