^

Metro

Kwitis sinisi sa maraming sunog

-

MANILA, Philippines - Dapat nang ipagbawal ang kwitis o mga paputok na lumi­lipad.

Ito ang mungkahi ng Bu­reau of Fire Protection ma­tapos na maging sanhi ito ng limang sunog na naganap sa Metro Manila sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon kay S/Supt. Pablito Cordeta, regional director ng BFP-NCR, mas tumaas ang bilang ng mga sunog sa pag­pasok ng taon kumpara sa nakaraang selebrasyon dahil sa mga nasabing paputok.

Sinisi ni Cordeta ang pang­­yayari sa mga paputok na ginamit ng mga residente tulad ng kwitis.

Sa pag-analisa ni Cordeta, mas mausok ang pagsalu­bong sa 2010 at mas ma­raming dumadagundong at malalakas na paputok kum­para noong nakaraang taon.

Bukod dito, pinaalalaha­nan din ni Cordeta ang ma­ma­mayan na may natitira pang mga pa­putok na agad na basain ito at huwag ng itabi dahil baka ito pa ang maging sanhi ng trahedya.

Samantala, sa talaan ng BFP sa naganap na sunog noong nakaraang Decem­ ber 2009, umabot sa 447 fire in­cidents ang tumama sa bansa ng nasabing buwan na mas mababa mula sa 648 kaso na naitala sa kaha­lin­tulad na buwan noong na­karaang taon. (Ricky Tulipat)

AYON

BAGONG TAON

BUKOD

CORDETA

DAPAT

FIRE PROTECTION

METRO MANILA

PABLITO CORDETA

RICKY TULIPAT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with