Meralco nagbabala sa mga pekeng kolektor

MANILA, Philippines - Nagbabala ang Manila Elec­tric Company (Meralco) sa pub­liko na mag-ingat at huwag maki­pagtransaksyon sa mga nagpapakilalang kolektor ng singil sa kuryente na nagba­bahay-bahay.

Sinabi ni Meralco external communications manager Joe Zaldarriaga na walang dini-deploy na mga kolektor ang kom­panya at kung may pupunta sa kanilang bahay na naningil sa bills ay pawang mga peke o nagpapanggap na mga kolektor ang mga ito.

Iginiit nito na matagal na nilang tinanggal ang sistema ng paniningil ng mga kolektor na nagbabahay-bahay at ang bayaran ngayon ay sa pama­magitan na ng bangko, Meralco business center at ibang bayad centers.

Inilabas ng Meralco ang pa­alala sa publiko makaraang makatanggap ng napakaraming sumbong o ulat na may mga gumagalang pekeng kolektor na nakapambiktima na sa ma­rami nilang mga kliyente. (Danilo Garcia)

Show comments