^

Metro

SK kagawad dinukot ng pulis

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Nagmamaka-awa  ang isang ama kay Manila Mayor Alfredo Lim at kay Manila Police District (MPD) director Chief Supt. Rodolfo Magtibay na tulungan silang makamit ang hustisya para sa pagka­wala ng kanyang 19- anyos na anak na isa ring SK Kagawad na umano’y dinukot ng  pulis Maynila kamakailan.

Kasama ang kanyang anim na anak, nagtungo si Victor Eusebio sa Manila City Hall Re­porters’ Association (MACHRA) upang manawa­gan kay Lim at Magtibay na matulungan silang makita  ang kanyang anak na si  Ron Michael Eusebio, grad­uating student ng Perpetual Help College na sinasabing dinukot umano ni PO2 Augusto Abiong, nakatalaga sa MPD District Police Intelligence Unit.

Batay sa pahayag ni Eu­sebio, pinaniniwalaang “pina­tahimik” ni Abiong ang kanyang  anak dahil sa tutol ito sa relas­yon nito  sa kan­yang “step daughter”.

Ayon kay Eusebio, grabe ang kanilang hinanakit dahil hanggang sa ngayon ay wala pa ring nangyayari sa kaso kung saan nananatiling naka- duty  si Abiong sa kabila ng kasong isinampa nila laban dito.

Sinabi ni Eusebio na ma­lung­kot nilang ipinagdiwang ang Pasko dahil hindi kum­pleto ang kanilang pamilya kung saan Disyembre 26 naman ng mag­diwang ng kan­yang   ika-19 ka­arawan si Ron Michael.

Ngayon, unang araw ng taong Enero 2010, blanko pa rin sila kung nasaan si Ron Michael lalo pa’t itinatanggi ni Abiong na dinukot niya ang binatilyo.

Iginiit pa ni Eusebio na limitado ang kanilang  kilos dahil alam nilang malakas ang kanilang kalaban.

Disyembre 4 pa noong huli silang magkita ng anak ma­tapos na i-text at papuntahin umano ni Abiong sa kanilang bahay upang kausapin. Hindi naman umano niya akalain na ito ang sasapitin ng kanyang anak.

ABIONG

AUGUSTO ABIONG

CHIEF SUPT

DISTRICT POLICE INTELLIGENCE UNIT

DISYEMBRE

EUSEBIO

MANILA CITY HALL RE

RON MICHAEL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with