^

Metro

1 killer ni chairman, timbog

-

MANILA, Philippines - Bunga ng pagbubunyag ng sariling ina, natunton ng mga tauhan ng Manila Police District-Homicide Section ang pinagta­taguan ng isa sa tatlong suspek na pumatay sa isang barangay chairman, sa isinagawang follow-up operation, sa lalawi­gan ng Batangas, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni C/Insp. Erwin Margarejo, hepe ng MPD-Ho­mi­cide section, ang naarestong si Mark Joseph Ignacio, alyas “Mac-mac” 19, ng  107 V. Mata, Herbosa Ext., Tondo, Maynila.

Isa si Ignacio sa itinuturong suspek sa pagpatay kay Reynaldo Jornales, chairman ng Bgy. 109, Zone D-1, at resi­dente ng #154 Masuwerte St., Tondo, madaling-araw nitong Martes.

Ang dalawa pang suspek na kinilalang sina Leonel Enriquez, alyas “Lupen”, 20; at Bernie Ladia, alyas Bernie, 20, ay pa­tuloy pang tinutugis ng mga elemento ng pulisya.

Nabatid na si Ignacio ay itinuro ng ina ang pinagtaguan ay natunton sa Brgy. Balaytigue, Nasugbu, Batangas. 

Sa naging pahayag ni Ig­nacio, itinanggi niya na siya ang sumaksak sa biktima, bagkus ay kasama lamang niya ang dalawa at nakatayo siya habang ang dalawang kasama ay nagtu­long sa pagsaksak sa chairman.

BATANGAS

BERNIE LADIA

ERWIN MARGAREJO

HERBOSA EXT

IGNACIO

LEONEL ENRIQUEZ

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARK JOSEPH IGNACIO

MASUWERTE ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with