^

Metro

Tow truck kinarnap

-

MANILA, Philippines - Sa halip na tow truck ang manghila ng mga sasakyang nakabalag­bag sa kalye, ang mis­mong tow truck ang hini­hinalang nahila naman ng karnaper habang nakaparada sa Tondo, Maynila, sa ulat kahapon.

Ito ay nabatid sa pag­dulog sa tanggapan ng Manila Police District (MPD)-Anti Carnapping Unit (MPD-ACU) ng bik­timang si Robert Peña­florida, 31, driver ng Smartfixx ng Ibero Towing Company.

Dakong alas-6:30 ng umaga nang nadiskubre ni Penaflorida na nawa­wala na ang minama­neho nitong tow truck (PDT 190) habang naka­parada   sa kanto ng Juan Luna at Gagalangin, Tondo.

Aniya, magrereport pa lamang siya sa duty nang madiskubre na wala na ang ipinarada niyang tow truck.

Sa isa pang kaso, isang Jowell Quijano ng 419 Moriones St., San Nicolas Tondo, ang nag­hain ng reklamo hinggil sa pagkawala rin ng kan­yang ipinaradang kulay silver na Mitsubishi Es­trada pick-up BLS 4x4 (ZHM-266) malapit sa kanyang tahanan.

Nasa  10 minuto pa la­­mang umano nitong ipinaparada ang kanyang sasakyan sa Plaza Moriones, San Nicolas, Tondo nang natuklasan nitong nawawala. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

ANTI CARNAPPING UNIT

IBERO TOWING COMPANY

JOWELL QUIJANO

JUAN LUNA

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT

MITSUBISHI ES

MORIONES ST.

PLAZA MORIONES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with