^

Metro

Pedicab driver kinatay ng kapwa driver

-

MANILA, Philippines - Labimpitong saksak sa ka­tawan ang tinamo ng isang 22-anyos na pedicab driver dahil sa matinding selos ng kapwa pedi­cab driver sa Sta. Cruz Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Hindi na umabot ng buhay sa Metropolitan Medical Center ang biktimang si Jessie Retagle, alyas “Bunso”, binata,  ng Claro M. Recto Ave., Sta. Cruz, Maynila.

Nakatakas naman ang sus­pek na kinilalang si Benigno Lam­berte, 23, ng Estero de Mag­dalena, Sta. Cruz, Maynila.

Sa ulat ni Det. Benito Cabat­bat ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas- 12:20 ng madaling araw,  sa Estero De Magdalena, malapit sa bahay ng suspek.

Nabatid na nag-iinuman ang biktima at suspek hanggang sa magtalo hinggil sa selos ng suspek sa una dahil pinakiki­alaman umano nito ang live-in partner ng huli na isang alyas “Jean”.

Dahil sa pagtatalo ay iniwan na lamang ng biktima ang sus­pek na lingid sa kanyang ka­alaman at sinundan siya at sunud-sunod na inundayan ng saksak sa likuran.

Duguang humandusay ang biktima sanhi ng maraming sak­sak sa katawan habang mabilis namang tumakas ang suspect. (Ludy Bermudo) 

vuukle comment

BENIGNO LAM

BENITO CABAT

CLARO M

CRUZ

CRUZ MAYNILA

ESTERO DE MAGDALENA

JESSIE RETAGLE

LUDY BERMUDO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with