^

Metro

3 dedo sa aksidente sa motorsiklo

-

MANILA, Philippines - Tatlo katao ang iniulat na nasawi sa magkakahiwalay na aksidente sa motorsiklo sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Kinilala ni P/Chief Insp. Maximo Sabio, hepe ng Traffic Sec­tor ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit, ang mga nasawi na sina Jozel Sabangan, 18, ng Batasan Hills, Quezon City at kaaangkas nito na si John David Galima, 14 anyos; at Michael Aguinaldo, 23, ng Old Balara sa naturang lunsod.

Dakong madaling araw nang maaksidente sina Sabangan at Galima sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.

Sakay ng Honda Bravo (6166 NK) na minamaneho ni Sabangan habang angkas nito si Galima at tinatahak ang lugar nang pagsapit sa IBP road at tapat ng tanggapan ng DSWD sa Filivest 2, bigla na lamang sumadsad ang sasakyan nito saka bumangga sa center island na siyang ikinamatay ng mga ito.

Naganap naman ang insidente na kinasasangkutan ni Aguinaldo sa tapat ng Caltex gasoline station sa Old Balara. Sakay din ng motorsiklo si Aguinaldo angkas si Abner Galang nang mawalan ito ng kontrol at sumalpok sa gutter. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

ABNER GALANG

BATASAN HILLS

CHIEF INSP

COMMONWEALTH AVENUE

GALIMA

JOHN DAVID GALIMA

JOZEL SABANGAN

MAXIMO SABIO

MICHAEL AGUINALDO

OLD BALARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with