^

Metro

Obrero niratrat

-

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang 49 anyos na construction worker makaraang pagbabarilin ng isa sa dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo nang posibleng mapagkamalan ito na kanilang hinahanap na kaaway kahapon ng madaling araw sa Pasay City.

Hindi na umabot nang buhay sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Glorioso Rapsing ng 2592 Inocentio Street ng naturang lungsod. Nagtamo siya ng isang tama ng bala sa likuran sanhi ng kamatayan nito.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek na nakilala lamang sa mga alyas na Boyong at Michael Bullfrog, kapwa residente ng Ventanilla St., Pasay lulan ng isang motorsiklo matapos ang pamamaril.

Sa ulat ng Pasay police, napansin ng mga saksing residente ang dalawang suspek na pabalik-balik sa may Inocencio Street dakong ala-1:00 ng madaling araw lulan ng motorsiklo at tila may hinahanap. Bigla na lamang umanong nagpaputok ng baril ang isa sa mga suspek sanhi upang magtakbuhan ang mga takot na residente.

Nabatid naman na nagising sa pagtulog ang biktima dahil sa kaguluhan. Lumabas ito ng bahay nang mapansin na wala sa loob ng bahay ang mga anak kung saan tiyempo namang nakita ito ng mga suspek at binaril. (Danilo Garcia)

vuukle comment

DANILO GARCIA

GLORIOSO RAPSING

INOCENCIO STREET

INOCENTIO STREET

MICHAEL BULLFROG

PASAY

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

VENTANILLA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with