^

Metro

Tauhan nagdamot sa manok, tinodas

-

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang tauhan ng isang tindahan ng manok makaraang saksakin ng hindi pa nakikilalang salarin na basta na lamang nanghihingi ng naturang paninda ngunit hindi napag­bigyan kamakalawa ng gabi sa Barangay Tanong, Malabon City.

Sa inisyal na ulat, nakilala lamang ang nasawi sa alyas nitong Bornok, nasa hustong gulang, tagakatay ng manok sa Rey-Erlyn Live and Dressed Chicken na nasa loob ng Malabon Central Market sa F. Sevilla Blvd., Barangay Tanong.

Nagkakatay ng mga bagong deliber na manok ang biktima sa naturang puwesto para sa ititinda kinabukasan nang biglang sumulpot ang hindi nakilalang suspek na basta na lamang nanghingi ng manok para umano pampulutan.

Natural na tumanggi ang biktima ngunit nagbunot ng pata­lim ang salarin at sunud-sunod na inundayan ng saksak ang una at mabilis na tumakas.

May hinala ang pulisya na isa ring nagtatrabaho sa loob ng naturang palengke ang may kagagawan ng krimen na kanila na ngayong inaalam ang pagkakakilanlan. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BARANGAY TANONG

BORNOK

DANILO GARCIA

DRESSED CHICKEN

MALABON CENTRAL MARKET

MALABON CITY

MANOK

NAGKAKATAY

NASAWI

SEVILLA BLVD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with