Parak bumaril sa kapwa parak, sumuko

MANILA, Philippines - Sumuko na sa kanyang mga kabaro ang isang parak na bumaril sa kanyang su­perior   kamakalawa sa Pasay City.

Ang suspek na si PO3 Fer­nando Macalindog, nakata­laga sa Senate Security Unit (SSG)-PSG ay nasa custody ngayon ng Pasay City Police.

Matatandaang binaril ng suspek ang kanyang hepe na si Inspector Julius Alatraca, ng PSPG sa Senado sa harap ng barracks ng PSPG sa com­pound ng Senado habang nag­sasagawa ng formation ang mga pulis.

Isa-isa umanong pinaga­litan ni Alatraca ang kanyang mga tauhan dahil sa nawa­walang dalawang armalite rifle na ka­launan ay natuklasang naka­lagay sa likurang com­part­ment ng kotse ng biktima.

Pinagbintangan umano ni Alatraca ang tauhang si PO3 Macalindong na siyang nag­tago ng mga naturang armas sa kan­yang kotse kaya’t nang sitahin ay pumalag na ang pulis at binaril ang hepe. Nabawi mula sa suspek ang isang caliber .9mm na baril. (Lordeth Bonilla)

Show comments