Parak bumaril sa kapwa parak, sumuko
MANILA, Philippines - Sumuko na sa kanyang mga kabaro ang isang parak na bumaril sa kanyang superior kamakalawa sa Pasay City.
Ang suspek na si PO3 Fernando Macalindog, nakatalaga sa Senate Security Unit (SSG)-PSG ay nasa custody ngayon ng Pasay City Police.
Matatandaang binaril ng suspek ang kanyang hepe na si Inspector Julius Alatraca, ng PSPG sa Senado sa harap ng barracks ng PSPG sa compound ng Senado habang nagsasagawa ng formation ang mga pulis.
Isa-isa umanong pinagalitan ni Alatraca ang kanyang mga tauhan dahil sa nawawalang dalawang armalite rifle na kalaunan ay natuklasang nakalagay sa likurang compartment ng kotse ng biktima.
Pinagbintangan umano ni Alatraca ang tauhang si PO3 Macalindong na siyang nagtago ng mga naturang armas sa kanyang kotse kaya’t nang sitahin ay pumalag na ang pulis at binaril ang hepe. Nabawi mula sa suspek ang isang caliber .9mm na baril. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending