Tulong pinansiyal, burial site sa mga bumbero
MANILA, Philippines - Tiniyak ni Manila Mayor Alfredo Lim na bibigyan ng financial assistance at maglalaan ng burial site sa lahat ng miyembro ng Association of Philippine Fire Volunteers Brigades, Inc. (APFVBI) na masasawi dahil hindi biro ang kanilang ginagawa.
Ayon kay Lim, inatasan na niya ang kanyang chief of staff na si Ric de Guzman na hanapin ang pamilya ng isang fire volunteer na namatay habang gumaganap sa kanyang tungkulin sa naganap na malaking sunog sa Oroqueta St.sa Maynila.
Bukod sa financial at burial site,sinabi ng alkalde na bukas din ang lahat ng pinatatakbong hospital ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa sinu mang fire volunteer na masasaktan sa pagtupad ng kanilang tungkulin.
Sa kanyang pagharap sa mga ito sa pangunguna ni APFVBI President Francisco Guevarra, sinabi nito na bukas ang palad ng lokal na pa mahalaan ng Maynila sa mga ‘unsung heroes’ ng siyudad.
Sinabi ni Lim na posibleng lumaki pa ang sunog kung walang mga fire volunteers na tumulong sa mga bumbero na nagresponde sa sunog. Aniya, hindi matatawaran ang maagap na pagdating ng mga ito at ang pagtalon mula sa kanilang fire truck para maapula ang apoy. (Doris Franche)
- Latest
- Trending