^

Metro

Camp Crame nilooban

-

MANILA, Philippines - Sa gitna na rin ng kasaya­han sa mismong araw ng pagdi­riwang ng Pasko at ika-55 ka­ara­wan ni PNP Chief Director General Jesus Ver­zosa, nilo­oban ng hindi nakilalang mga kawatan ang PNP Press Corps Office sa Camp Crame, Quezon City, ayon sa ulat kahapon.

Ang nakawan ay nadiskubre dakong alas-8 ng umaga ka­hapon ni Dominador “Mang Entong” Arnaldo, janitor/striker ng PNP Press Corps.

Ayon kay Mang Entong, na­gulat na lamang umano siya ng makitang putol ang mga kable at nawawala na ang television set at ang audio video equip­ment sa briefing area ng PNP Press Corps.

Sa panig ni PO3 Lauro Sala­zar, duty officer ng mangyari ang insidente, hindi umano niya napansin ang nakawan dahilan nasa itaas siya at nakasara ang pinto sa PIO kung saan nasa ibaba lamang nito ang pinag­nakawang briefing area ng mga mediamen na nagko-cover sa PNP.

Malapit rin ang naturang tang­gapan sa headquarters ng Base Police ng Camp Crame na kabilang sa mga nangangalaga ng seguridad sa punong him­pilan ng PNP.

Ang insidente ng naturang nakawan sa loob ng Camp Crame ay hindi unang pag­ka­kataon kung saan madalas na magsamantala dito ang mga bukas kotse gang.

Ilang linggo lamang ang nakalilipas ay isang 10 -anyos na batang lalaki ang nahuling may hawak na mga susi at aktong binubuksan ang behi­kulo ng isa sa mga staff ni PNP-Police Community Relations Group (PNP-PCRG) Director P/Chief Supt. Nicanor Bar­ tolome.

Nabatid na ilang beses na ring nagsamantala ang mga kawatan sa nasabing tang­gapan kung saan ultimong ang mga compact disc memory sa mga computer ay pinag-iinte­resan pang nakawin.

Ilang mga reporter rin ang nawalan ng baril, pera, cell­phone at laptop sa nasabing working area at maging sa parking lot. (Joy Cantos)

BASE POLICE

CAMP CRAME

CHIEF DIRECTOR GENERAL JESUS VER

CHIEF SUPT

DIRECTOR P

MANG ENTONG

PNP

PRESS CORPS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with